Tuwing buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika, na kung saan ay pinapahalagahan natin ang ating pambansang wika. Ngayong taon ang tema ay "Filipino: Wika ng Saliksik." Hindi maitatanggi na sa panahon ngayon ay nakikita na ang pagbabago. Lahat ng apeto sa ating buhay ay umunlad na, pati na ang ating sariling wika. Ang ating bansa ay isa sa mga bansang umuunlad.
Ang saliksik ay nangangahulugang pagsasaliksik at sa wikang ingles ay research. Isa sa mahalagang katangian nito ay nagagamit ito para sa pagpapaunlad ng kaalaman gaya ng saliksik. Nakabase ang tema sa memorandum na ginawa ng DepEd at sa tulong ng Komisyon ng Wikang Filipino. Ito rin ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum o lenggwahe sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran sa ating bansa. Sa pamamagitan ng tema, layon ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na palaganapin ang wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ng karunungan, lalong-lalo na sa agham at matematika. Sa panahon ngayon, ang English ang ginagamit nating midyum sa ating pananaliksik. Hindi makakaila na ito ang ating ginagamit dahil sa pandaigdigan ang pagsasaliksik. Sa tema, hinihikayat nito na gamitin natin ang wikang Filipino sa iba't ibang pamamaraan gaya ng pagtuturo, paggawa ng thesis, paggawa ng blog at iba pa. Nais ng KWF na habang papalago ang kaalaman sa siyensa at matematika, kinakailangan na lalago rin ang ating wika - ang wikang Filipino.
Dapat nating mahalin ang ating sariling wika. Dapat ay isagawa natin ito. Maaaring ang pagmahal ay sa pamamagitan ng paggamit nito. Sa tema, kailangan nating gamitin ang wikang Filipino sa pagsasaliksik. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal, "Ang di marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda."
Reference:
http://kwf.gov.ph/buwan-ng-wika-2018-filipino-ang-wika-ng-saliksik/
http://liryko.blogspot.com/2018/07/buwan-ng-wika-2018-theme-filipino-wika.html
http://www.wise-spending.com/2018/07/buwan-ng-wika-2018-theme-slogan-and.html
https://www.affordablecebu.com/buwan-ng-wika-theme-tema
Galing!
ReplyDeleteNapakahusay!
ReplyDeleteMahusay!
ReplyDeletenapakaganda ang iyong ginawa! ipagpatuloy mo!
ReplyDeletetama ka edrick ang ganda ng laman ng iyong article :D
ReplyDelete