"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan." - Dr.
Jose P. Rizal
Sa ilalim ng Republic Act 10661, ang buwan ng
Nobyembre ay idineklarang "National Children's Month." Ang
deklarasyong ito ay gumugunita sa hinangong "Convention on the Rights of
the Child by the United Nations General Assembly" noong Nobyembre 20,1989
at gustong makintal ito sa ating mga Pilipino. Ang tema sa taong ito ay,
"Isulong: Tamang Pag-aaruga para sa Lahat ng Bata."
Mahirap maging isang guro, inhinyero, doktor o
isang abogado. Totoong walang madaling propesyon dito sa mundo dahil lahat ay
dapat paghirapan. Pinaplano ng karamihan ang pagsalang sa mga hamong ito.
Responsibilidad ng nanay at tatay ang tamang
pag-aaruga sa anak sa mabuti o maging sa pinakamasaklap na panahon. Susubukin
nito ang haba ng pagtitiyaga at pagtitiis ng isang tao nang walang kapalit na
sahod. Ang tamang pag-aaruga ay dapat simulan sa pagkasilang. Dapat maglaan ng
sapat na oras at panahon ang mga magulang para sa bata. Nararapat na magsimula
sa tahanan ang tamang edukasyon, asal at disiplina upang maging mabuti at
kapaki-pakinabang na mamamayan ang mga bata. Kung lalaking disiplinado ang bata
ay magiging inspirasyon at marangal na ehemplo siya sa iba.
Nakabatay sa tamang pag-aaruga ang kaunlaran
at kahihinatnan ng isang bata. Pati na ang kaunlaran ng isang bansa. Kaya dapat
maayos ang pag-aaruga ng mga magulang. Ang pag-aaruga ay importante at
napakahalaga.
Reference:
https://www.google.com.ph/url?sa=i&source=images&cd=&cad=rja&uact=8&ved=2ahUKEwiY6ILnuILfAhXVc94KHUS3DJAQjRx6BAgBEAU&url=https%3A%2F%2Fcwc.gov.ph%2Fchildren-s-month%2Fdownloads.html&psig=AOvVaw2X6yjtxXwVtkbI_AxnufoO&ust=1543884684218515
https://www.google.com.ph/url?sa=i&source=images&cd=&cad=rja&uact=8&ved=2ahUKEwi6ss3tuILfAhUHfXAKHXgvCAcQjRx6BAgBEAU&url=https%3A%2F%2Fhi-in.facebook.com%2Fmlquofficial%2Fphotos%2Fthis-years-national-childrens-month-celebration-carries-the-theme-isulong-kalida%2F1839725729638053%2F&psig=AOvVaw2X6yjtxXwVtkbI_AxnufoO&ust=1543884684218515
https://brainly.ph/question/1863227

Tama ang iyong pananaw tunay nga na kailangang punuin ng pagmamahal ang mga bata. Napakahusay Edrick!
ReplyDelete