Wednesday, November 21, 2018

Think Before You Click


     Tuwing buwan ng Nobyembre, ipinagdiriwang natin ang "Filipino Values Month." Ito ay ipinagdiriwang taon-taon. Ito ay ipinagdiriwang upang ipalala at imulat sa atin ang mga pagpapahalaga sa ating buhay. Ang tema sa taong ngayon ay, "Mapanuring Paggamit ng Gadget: Tungo sa Mapagkalingang Ugnayan sa Pamilya at Kapwa." Ang mga gadgets na ito ay palagi nating ginagamit, araw-araw at halos minu-minuto.

     Napakalaking papel ang ginagampanan ng mga gadgets at teknolohiya sa pang-araw-araw na pamumuhay natin. Nakakatuwang ispin na napapagaan at napapadali ang mga gawain ng tao dahil sa mga ito. Makikita talaga ang pag-unlad ng teknolohiya at pagbabago. Ngunit may masama ring epekto ang mga ito kapag ginamit ito sa maling paraan. May mga pag-aaral ding nagsasabi na nagiging sanhi ang mga ito ng pagbabago sa pag-uugali at paglaganap ng mga ilang sakit. Mahalaga ang mapanuring paggamit ng gadgets. Ang mga gadgets ang tulay o daluyan ng maganda at mapagkalingang ugnayan sa pamilya at gadget. Dapat nating alamin kung tama ba o mali ang ating paggamit sa mga gadgets. Nakabubuti ba ang gagawin ko sa aking sarili at sa aking kapwa?
     Kaya dapat mapanuri tayo sa paggamit ng mga gadgets. Ang mga gadgets ay may mga mabuting epekto at meron din namang masamang epekto. Dapat nating pag-isipan mabuti ang bawat hakbang at gagawin kung ito ba ay tama o hindi. Ika nga nila sa Ingles, "Think before you click!"

References:
https://www.google.com.ph/imgres?imgurl=https%3A%2F%2F1.bp.blogspot.com%2F-yXgPVvu8TJQ%2FW_S5rbXVFWI%2FAAAAAAAAADI%2FGry4Lu_sVDU8K0ufkzTTZ7KeRl7RmVXxQCLcBGAs%2Fs400%2Fimages.png&imgrefurl=https%3A%2F%2Fjanicemaepalas.blogspot.com%2F2018%2F11%2Fpamilya-at-kapwa-gadgets-at-technology.html&docid=xOVdw8YZq8L1_M&tbnid=MyDMVbxWwwyBLM%3A&vet=10ahUKEwiWyq64vOfeAhULM48KHTO8CJkQMwhEKAcwBw..i&w=400&h=284&bih=608&biw=1366&q=mapanuring%20pagsusuri%20ng%20gadget%3A%20tungo%20sa%20mapagkalingang%20ugnayan%20sa%20pamilya%20at%20kapwa&ved=0ahUKEwiWyq64vOfeAhULM48KHTO8CJkQMwhEKAcwBw&iact=mrc&uact=8
https://brainly.ph/question/1901015

No comments:

Post a Comment