Sunday, December 2, 2018

Pag-aalaga at Pag-aaruga sa Lahat ng mga Bata

  "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan." - Dr. Jose P. Rizal

     Sa ilalim ng Republic Act 10661, ang buwan ng Nobyembre ay idineklarang "National Children's Month." Ang deklarasyong ito ay gumugunita sa hinangong "Convention on the Rights of the Child by the United Nations General Assembly" noong Nobyembre 20,1989 at gustong makintal ito sa ating mga Pilipino. Ang tema sa taong ito ay, "Isulong: Tamang Pag-aaruga para sa Lahat ng Bata."
 
     Mahirap maging isang guro, inhinyero, doktor o isang abogado. Totoong walang madaling propesyon dito sa mundo dahil lahat ay dapat paghirapan. Pinaplano ng karamihan ang pagsalang sa mga hamong ito.

     Responsibilidad ng nanay at tatay ang tamang pag-aaruga sa anak sa mabuti o maging sa pinakamasaklap na panahon. Susubukin nito ang haba ng pagtitiyaga at pagtitiis ng isang tao nang walang kapalit na sahod. Ang tamang pag-aaruga ay dapat simulan sa pagkasilang. Dapat maglaan ng sapat na oras at panahon ang mga magulang para sa bata. Nararapat na magsimula sa tahanan ang tamang edukasyon, asal at disiplina upang maging mabuti at kapaki-pakinabang na mamamayan ang mga bata. Kung lalaking disiplinado ang bata ay magiging inspirasyon at marangal na ehemplo siya sa iba.

     Nakabatay sa tamang pag-aaruga ang kaunlaran at kahihinatnan ng isang bata. Pati na ang kaunlaran ng isang bansa. Kaya dapat maayos ang pag-aaruga ng mga magulang. Ang pag-aaruga ay importante at napakahalaga.

Reference:

https://www.google.com.ph/url?sa=i&source=images&cd=&cad=rja&uact=8&ved=2ahUKEwiY6ILnuILfAhXVc94KHUS3DJAQjRx6BAgBEAU&url=https%3A%2F%2Fcwc.gov.ph%2Fchildren-s-month%2Fdownloads.html&psig=AOvVaw2X6yjtxXwVtkbI_AxnufoO&ust=1543884684218515
https://www.google.com.ph/url?sa=i&source=images&cd=&cad=rja&uact=8&ved=2ahUKEwi6ss3tuILfAhUHfXAKHXgvCAcQjRx6BAgBEAU&url=https%3A%2F%2Fhi-in.facebook.com%2Fmlquofficial%2Fphotos%2Fthis-years-national-childrens-month-celebration-carries-the-theme-isulong-kalida%2F1839725729638053%2F&psig=AOvVaw2X6yjtxXwVtkbI_AxnufoO&ust=1543884684218515
https://brainly.ph/question/1863227